Christine's POV "Ahppmmm ito na ba ang apo ko?" Mangiyak ngiyak na tanong ni mommy Grace sa akin. Kinuha nito si Jacob sa bisig ko at kinarga. Nakita kong tumulo ang luha nito at paulit ulit na hinalikan ang pisngi ng anak ko. Nasa America ito kasama si daddy Alfredo ng umuwi ako kaya ngayon lang nito nakita ang kanyang mga apo. "Ang gwapo, kuhang kuha niya talaga ang mukha ng ama niya" Maluha luhang sambit nito. "Honey Look! para talaga siyang si Jake noong baby pa" Baling na sabi naman nito sa kay daddy Alfredo. Kinarga din ng biyanan kong lalaki ang anak ko. Sobrang sarap sa matang makita mga ito kaya may luhang tumulo sa mga mata ko. "Wifey?" Untag na tawag ni Jake at naramdaman kong pumulupot ang kamay nito sa bewang ko. "Hey are you crying?" Nag aalalang tanong nito. "No, ang saya lang ng puso ko" Mahinang sambit ko at niyakap naman niya ako. "Shhh tahan na hindi ito ang oras na dapat umiyak ka" Pampakalma na saad nito at hinagod hagod ang likod ko. "Ma'a
Last Updated : 2025-10-22 Read more