Christine's POV " Oo, at sa susunod na gawin mo iyun, at napahamak ang anak ko,hindi lang iyun ang gagawin ko. Hintayin mong mganganak ka saka magagawa mo na ang lahat ng gusto mo, hindi kita pipigilan kung gusto mong kumawala sa akin kasi alam ko naman na sa umpisa pa lang iyun na ang napagkasunduan natin." Malaming na sabi nito. Masakit ang bawat salitang binitawan nito kaya yumuko para hindi niya mapansin ang reaksyon ko. "Fix yourself, uuwi na tayo, hihintayin kita sa lobby" Sabi nito,pagkatapos, iniwan na niya ako. Dahan dahan akong napaupo sa sahig ng ma proseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya. Ano bang aasahan Kong sagot sa kanya? Alam kung ni minsan wala siyang pagmamahal sa akin at dahil lang sa bata kaya kami may ugnayan sa isa't isa. Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Nanlalambot ang tuhod na tumayo ako para magbihis pagkatapos hindi na ako nag abala pang ayusin ang hitsura ko at kinuha ang bag ko. Naabotan ko ito sa lobby ng hotel na nakatalikod sa gawi ko at
WARNING (MATURED CONTENT AHEAD!!)Christine POVNapatigil ako sa pagiyak ko ng may isang bulto na nakatayo sa harapan ko.Iningat ko ang paningin ko at nakita kong si Jake ito. Humihingal na nakaharap sa akin habang pinupunasan nito ang pawis sa kanyang noo. Masamang tiningnan nito ang mga mata ko at bigla nitong hinawakan ang braso ko. Sobrang higpit nito at kinaladkad niya ako."A-aray nasasaktan ako ano ba!" Nagpupumiglas na sabi ko. Maraming tao ang nakatingin sa amin habang kinakaladkad niya hanggang sa makarating kami sa loob ng elevator hawak hawak niya pa rin ang braso ko."Ja-jake ano ba bitawan mo ako" Nauutal na sabi ko. Bumaling ito ng tingin sa akin at nagaapoy sa galit ang mga mata nito. Hindi ito nagsasalita hanggang sa makabalik kami sa kwrto ng hotel at mabilis niyang itinulak ako sa kama. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo ha!?" Nanlilisik sa galit na tanong nito. Kung kanina galit ang nararamdam ko para sa kanya ngayon sobrang takot na lumukob sa buong pagkatao ko.
Christine's POV"Owhhh?,iha,bakit hindi ka sumama kay Jake kanina sa stage? I thought wala ka"Sabi ni mommy Grace. Nasa himig nito ang pagkadismya. Ngunit nginitian ko lang ito.May hawak hawak itong isang baso na may lamang wine white at ang isang kamay naman ay may hawak na mamahaling bag nito."Okey lang po mommy" Nag aalangan na sagot ko saka ngumiti. "Hay naku! Ito talaga si Jeriko! Para naman sana makilala nila ang asawa ng CEO" Dagdag pa sabi nito. Naramdaman ko ang kagustuhan nitong makilala ako ng mga tao kaya parang may kung anong paruparu ang nagliliparan sa aking puso."Hello kumare, kamusta?" Napalingon kami ng sabay ni mommy Grace ng may isang matandang ginang ang lumapit sa amin. Halata sa suot ng ginang na mayaman ito.May suot itong malaking gold na hikaw at halatang mamahalin ang kwentas na suot nito. Tumingin ang ginang sa akin mula ulo hanggang paa saka bumaling ng tingin kay mommy."Kumare okey lang ako,ikaw kamusta kana?" Sagot naman ni mommy Grace at bumeso sa g
Christine's POV "Ma'am pinapatawag na po kayo ni Sir Tyron na pumunta na ng 58th floor" Sabi ng isang babae na kumatok sa pinto. Nakaramdam ako ng lungkot pagkatapos kung marinig ang sinabi nito. Alam kung OA ako pero nasasaktan ako dahil hindi niya man ako pinuntahan dito. " Okey po, baba na po. Thank you" Sagot ko at mabilis na bumalik sa loob. Kibit balikat akong humakbang papunta sa salamin pero at the same time, kinakabahan akong inayos ulit ang sarili ko. At ng masigurong okey na ito kinuha ko ang maliit na purse ko. Habang nasa loob ako ng elevator sobrang lakas na ng tibok ng puso ko ito ang first time na dadalo ako sa party ng mga downson. Although may mga naging party din naman noon sa company ni daddy pero hindi kami pinapayagan na pumunta. Laging si mommy at daddy lang, kung minsan kasama din naman nila si Christy. Napatigil ako sa isiping iyun ng sumagi sa aking isipan ang lahat ng sinabi ni Christy kanina. Alam kung may ibig sabihin ang lahat ng sinabi niya pero
Christine's POV "Hey sleepyhead wake up" Malambing na boses na naririnig ko malapit sa tenga ko.Ayoko ko pa sanang gumigising gusto ko pang matulog pero ang kulit nito kinagat kagat nito ang tenga ko kaya napilitan ang mga mata Kong ibuka ito. Ang gwapong mukha ni Jake ang unang bumungad sa akin, naiilang ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko kaya dumaos os ako pababa pero mabilis na hinawakan nito ang bewang ko at ibanalik ako dating ayos ko.Iginila ko ang mga mata ko. Nagulat akong nasa loob na pala kami ng isang kwrto. Tiningnan ko ito pero ngumiti lang ito ng napakatamis sa harapan ko. "You're so sleepy, at ayokong gisingin ang tulog mo, kaya binuhat nalang kita papunta rito" Nahihiyang akong tumingin sa kanya pagkatapos niyang sabihin iyun. Gosh! paano kong nabigatan siya sa akin? " Don't worry, magaan ka lang naman kung iyan ang iniisip mo?" Gulat Kong tiningnan uli ito. Paano niya nalaman ang nasa isip ko? " Halika kana, bangon na, the party will be start
Christine's POV " kuya?" Gulat na tanong ko ng makita ko ito sa likod ko. " Okey ka lang ba?" Inalalayan ako nito hanggang sa makaupo ako sa upoan ng hospital. " Dumalaw kaba sa daddy?" Kalmadong tanong nito at tumango lang ako bilang sagot sa tanong nito. " Kumusta siya?" "Ganun pa rin, paralisado na ang katawan niya" Pagkatapos kung sabihin iyun, nakita Kong bakas din pag aalala ang mukha nito, kaya hinawakan ko ang kamay nito at ngitian. "Makakarecover pa rin naman siya diba?" Ulit na tanong nito at tumingin sa mga mata ko. " Sabi ng doctor depende sa katawan niya, Isang taon, dalawang taon, tatlong taon or aabutin pa ng maraming taon" Wala sa sariling sagot ko at pinahiran ang luhang nalaglag sa mga mata ko. " Don't worry, magiging okey din si daddy". Pampagaan ng loob na sabi nito, at hinawakan ang balikat ko. Hindi na ako sumagot sa sinabi nito. Nakafocus sa ibang dereksyon ang mga mata ko. Nakita kong si Jake nakatayo, distansya sa amin at sobrang bigat ng t