Natagpuan ni Magnus ang sarili sa tahimik na ospital, maliban sa naririnig niyang tunog ng makina at mahinang ugong ng air-con. Sa kwarto 317, dumadaloy ang mapusyaw na liwanag ng umagang sumisilip sa bintana. Amoy antiseptic, malamig, pero may kakaibang lambing sa hangin ang bumabalot sa buong silid. Nakahiga si Cecelia sa kama, maputla pero humihinga nang maayos. Nakasuot siya ng ospital gown, may benda sa braso, at may nakakabit na tubo ng suwero. Nakapikit ang mga mata, ngunit gumagalaw ang mga daliri na parang may hinahanap na kamay ng taong matagal nang nawawala. Naroon sq kabilang gilid ng kama si Magnus. Ang damit niya'y may bahid pa ng dugo at alikabok, hindi pa nagpalit dahil wala siyang oras. Nakayuko siya nang hinawakan ang kamay ng asawa at parang walang balak bitawan. "Cecelia…" mahina niyang tawag, halos pabulong. Dahan-dahan iminulat ni Cecelia ang mga mata. Noong una, malabo pa ang tingin niya, pero nang tuluyang luminaw ay doon niya nakita si Magnus—nakangiti,
Last Updated : 2025-10-27 Read more