Kinagabihan, nang muling makabawi ng sapat na lakas si Magnus, ang una niyang ginawa ay ang tawagan ang alalay niya. Mali ang desisyon ni Charlotte na pakawalan siya kaya heto nagnakaw agad siya ng cellphone. Pasekreto niyang tinawagan si Leandro nang hindi ma-contact si Graziano.“Leandro,” Magnus’ voice was steady, masking the storm inside. “Ako ito, si Magnus.”“Boss?!” Hindi makapaniwalang sagot ng kabilang linya. “Magnus Quinn De Silva, kayo po talaga ito?”“Mahabang storya pero kailangan ko ang tulong niyo,” tugon niya. “Pansamantala akong nawalan ng memorya pero naalala ko na kayong lahat. Nagpapanggap ako ngayon para mapuksa si Charlotte Lux. Isa siya sa galamay ni Ambrogio Sa ngayon kailangan niyong siguraduhin ang kaligtasan ni Cecelia. Uuwi agad ako kapag mahuli ko ang Charlotte na ito.”Nasinghap ito. “Boss, h’wag sana kayong magalit… si Madam Cecelia nawawala. Malakas ang ebidensiya na si Ambrogio Lucchesse ang dumukot at ayon sa tracking device ay nasa Tubigon, Bohol siya
最終更新日 : 2025-10-24 続きを読む