JK "I-I hope you forgive me, JK," malakas ang loob na hinging paumanhin ni Anika. Matagal bago ko siya sinagot. Nilinis ko ang lalamunan, tumingala sa itaas bago binalik sa kanya ang atensyon ko. Nasa mataong lugar kami ng school pavillion kaya hindi ko halos marinig ang boses niya. Nangilid ang luha sa mga mata niya, tyempong tinangay ng malakas na ihip ng hanfin sa hapong ito. "Mapapatawad mo ba ako?" untag niya ulit. Binuka ko ang bibig. Nagtataka kung bakit walang boses ang gustong kumawala sa lalamunan ko. Nahihirapan akong harapin ang taong inakala kong minahal ko dahil sa sulat. "I-I already forgive you, and I fogret everything you did to me," I confessed honestly. Kumislot siya't natamemeng hinagisan ako ng tingin, tapos namungay ang kanyang mga mata bago nilipat sa ibang direksyon. "T-Thank you, and also thank you for loving me." "You deserve someone better than me, Anika." "Pwede pa rin ba tayo maging magkaibigan?" she asked reluctantly. Lumabi ako sabay tango. "Of c
最終更新日 : 2025-10-30 続きを読む