“Wala na siya,” bulong niya sa pagak na boses. Humigpit ang panga nito. “Nakita ko.”Binalik niya ang tingin sa kalsada. “Hindi na niya ako binalikan.”He crouched in front of her, lowering himself until they were level. His hands rested on his knees, patient, steady. “You shouldn’t be here like this.”“This is my hotel,” tugon niya. “I’ll stay wherever I want.”Hindi ito umimik. Pinanood lamang siya.“Mabuti pa pumasok na tayo,” anito, saka tumayo ulit.Nanginig ang kanyang mga labi. “Ayoko.”“Cecel—”“Don’t be kind to me,” putol niya. “Not now.”Napabuntong hininga ito, matagal at malalim. “Then let me be practical instead. Mamaya ka na maghagulgol. Umalis muna tayo ngayon dito.”“Hindi ako aalis dito.”Sumalpok ang kilay nito, tila nauubusan ng pasensiya. “Hindi ka pwedeng umupo rito, maghintay sa lalaking hindi naman maalala ang pangalan mo.”Inirapan niya ito. “Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko—”“Naiintindihan kita. Please, pumasok na tayo sa loo. Kung ayaw mo, iuwi na
最終更新日 : 2025-10-19 続きを読む