Irina POVPagkababa namin ni Boss Ravi sa sasakyan, agad akong napahinto sa nakita ko. Sa likod ng malawak na gate, bumungad ang isang beach resort na napakalaki at napakaganda, malalawak ang garden na puno ng makukulay na bulaklak, mga coconut tree na pantay-pantay ang pagitan, at sa dulo, tanaw ko na agad ang mala-kristal na dagat na kumikislap sa ilalim ng araw. Ang hangin dito, grabe, sariwa at mapapakanta ka talaga ng song ni Taylor swift na ang title ay August, talaga namang salt air ang eksena dito.“Welcome to Lopez Beach Resort,” sabi ni Boss Ravi. Kanila pala ito, kung hindi niya binanggit ang Lopez, hindi ko malalaman na kanila ito. Pagpasok sa loob, siyempre, parang wala na sa kaniya ang ganda ng buong paligid, sanay na siguro siya sa ganitong lugar. Ako nga, parang gusto ko nang tanggalin ang sapatos ko at tumakbo sa buhangin.Pagpasok namin, sinalubong agad kami ng staff na naka-puting uniform. Masasaya ang mga ngiti nila, parang natutuwa talagang dumating kami. Pero hig
Last Updated : 2025-08-12 Read more