Haide POVTradisyon nila Nanay Zizi na may buhos tubig ang baby. Hindi naman kami kumontra, hinayaan lang namin kasi mukhang kailangan talagang sundin ang mga magulang ni Azia.Manghihilot ang tinawag nila. Nagdasal sila, tapos may tubig na binuhos sa ulo ni Baby River. Pagkatapos nun, may pa-lugaw si Nanay Zizi. Siya ang nagluto at ang sarap. May putong puti pa nga.“Ang sarap mo palang magluto ng arroz caldo, balae,” puri ni Mama Shiela kay Nanay Zizi.“Totoo po ‘yan, Mama. Dati po kasi, nung bata palang ako at elementary, nagtitinda si Nanay sa tapat ng bahay namin. Marami sa mga kapitbahay namin ang paborito ang lugaw niya,” sabi naman ni Azia, na proud na proud sa nanay niya.“Salamat, Balae at anak,” nahihiya pang sagot ni Nanay Zizi.Pag-alis nung manghihilot na nagbuhos tubig kay Baby River, nagpasya naman kaming bumiyahe na papunta sa Baguio. Nagpasya kaming buong pamilya na magbakasyon doon ng isang linggo.“Handa na ang mga gamit ko,” excited na sabi ni Ate Shirley.“Kami r
Last Updated : 2025-12-16 Read more