Irina POVPagkababa ko ng hagdanan, naamoy ko na agad ang halimuyak ng mga pagkaing nakahain sa malaking hapag ng pamilya Lopez. Amoy oregano, basil, at olive oil, mga bango ng pagkain na bihira kong maamoy maliban na lang kung nasa kusina ako ng isang five-star hotel. Ngayon, nasa harapan ko na mismo ang lahat ng ito at para bang hindi pa rin ako makapaniwala. Iba talaga ang sarap ng buhay ng mga mayayaman. Kahit ano, kayang-kaya nilang kainin. Kahit gaano pa ito kamahal.“Ah, Irina!” tawag sa akin ni Lola Avi nang makita ako. Nakangiti naman agad siya, habang nakasuot ng kulay cream na bestida, at kahit may edad na ay lutang pa rin ang kanyang dignidad at ganda. “Halika na, hija, dito ka na umupo sa tabi ko.”Nahiya pa rin ako, pero dahil inaya niya ako, bawal tumanggi.“Po? S-sabay po ako? Hala, nahihiya po ako, Lola Avi.”“Nakaharap ka naman na kanina,” mabilis niyang sagot. “Family ka na rin dito.”Napatingin ako kay Ravi na dumating na rin. Nakatingin siya agad sa akin. Kahit de
Terakhir Diperbarui : 2025-08-17 Baca selengkapnya