Irina POV“So, palagi mo na itong gagawin?” tanong ko kay Ravi, pagkahatid niya sa akin dito sa bahay. Sinabayan niya kasi ako ng uwi dahil sa hiyang nararamdaman ko kanina sa company. Ang dami talagang nakatingin. Tapos, tila sinadya pa ni Ravi, na sabayan akong umuwi, para panindigan ang post niya. Wala na, lahat sila, iniisip na nilang girlfriend na ako ni Ravi.Nakakahiya, pero may part sa akin na parang natutuwa na rin, kasi parang tumaas ang tingin nila. Bukod doon, tama sina Quinn at Rosanna na kakatakutan ako ng ilan sa mga empleyor doon.“Yes, pero, kapag hindi ako puwede, driver ko na ang maghahatid sa iyo,” sagot niya.“Utos pa rin ba ito ni Lola Avi?”“Hindi, kagustuhan ko,” sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya.“O-Okay,” maikli kong sagot. “Salamat ulit sa paghatid. Mag-ingat ka, Ravi.”“At layuan mo si Jervie, please lang,” paalala pa niya. Tumango lang ako, pagkatapos ay sinara ko na ang pinto ng sasakyan niya.Hinatid ko siya ng tingin, bago ako tuluyang pumasok sa
Last Updated : 2025-08-31 Read more