Dahil sa alam ko naman na talo na ako hinayaan ko na sila. Dahil ang lumipas na tatlong taon ay wala namang kahulugan sa lalaki ng aking mahal. Kaya ako na mismo ang nagpadali ng lahat para sa kanila.Sa isang sulok, sinulyapan ko ang message na pinadala ng aking ina.“Ellara my dear, talo ka.”“Tatlong taon na ang lumipas, hindi pa rin ikaw ang laman ng puso ni Gabriel.Base sa kasunduan natin, dapat ka ng bumalik sa tunay mong buhay anak.”Matapos mabasa ang mensahe ng aking ina. Agad na baling ang tingin ko sa babaeng yakap ni Gabriel sa hindi kalayuan.Ito ang unang pagkakataon na makita ko na may kinang ang mga mata ni Gabriel. Simple lang babae at maamo ang mukha. Kahit halatang mura lang ang suot na damit ay kapansin-pansin pa rin ito. Ito talaga ang gusto ni Gabriel sa isang babae. Babaeng puro at dalisay sa kanyang paningin.Dahil sa aking nakita naramdaman ko ang mabilis na pagkalat ng pait sa aking bibig.FlashbackBigla ko na lang naalala ang nangyari sa nakalipas na apat t
Terakhir Diperbarui : 2025-07-23 Baca selengkapnya