3RD PERSON'S POV “Nagawa mo ngang magsinungaling sakin, hindi ba? You know what, Avery, buong akala ko tunay kitang kaibigan pero nagawa mo nga akong paglihiman. Tapos ngayon kung umasta ka, parang napakabuti mo, kahit ang totoo, pakitang tao ka lang naman. Unti-unti din namang umaalingasaw ang tunay mong lansa!” asik ni Fiona kay Avery. “Tama na Fiona..” awat ni Felomina sa anak. “No, Mommy. Hayaan nyo po akong ilantad ang tunay na kulay ng mapagbalat kayong babaeng yan! Masyado na niya kayong pinapaikot ni Daddy. Bait-baitan lang siya para makuha ang loob nyo.” “Fiona, bakit ba sa isang pagkakamaling nagawa ko sayo'y binalewala mo na agad lahat ng maganda nating pinagsamahan? Naglihim ka rin naman saakin hindi ba? Hindi mo rin naman ako lubusang pinagkatiwalaan. Hindi mo nga nagawang sabihin saakin na may pinagdadaanan ka tungkol sa mga magulang mo, pero kahit pinaglihiman mo ako, hindi ako nagalit ng ganyan katindi sayo.” sumbat din ni Avery sakaniya. Natahimik si Fiona a
Última actualización : 2026-02-04 Leer más