3RD PERSON'S POV “Well, kung ayaw mong kumain sa labas, pwede namang dito na lang tayo kumain.” paladesisyon nitong tugon. Naitirik ni Avery ang kaniyang mga mata. The way na magsalita ito ay para bang wala siyang ibang choice kundi ang sumunod sa desisyon nito. Akala mo kung sinong hari kung umasta ang lalaking kaharap niya. “Kasabay kong maglu-lunch si Simon ngayon. Nakapangako na ako sakaniya na ililibre ko siya ng luch.” Nagtagis ang bagang ni Travis. Hindi siya natutuwa sa sinabi nito. “Pagkatapos ni Luis si Simon naman ngayon?—” “Pwede ba Travis, ang dumi mo talagang mag-isip ano?” agad na putol ni Avery kay Travis. Hindi ito umimik bagamat masama siya nitong tinitigan. “FYI, si Simon lang naman ang tumulong saakin para dalahin ka sa unit ko. Kaya bilang pasasalamat, naipangako kong ililibre ko siya ng lunch.” paliwanag niya kahit na hindi naman siya dapat nagpapaliwanag sa kaharap. “Bakit? Wala ba siyang pera pambili ng pagkain niya?” inis na sagot ni Travis sakaniya.
Última actualización : 2026-01-24 Leer más