AVERY'S POV “Good morning!” isang masuyong halik mula kay Travis ang gumising saakin. Nang mag dilat ako ay buong akala ko ay si Simon ang nasa harapan ko. Malaki kasi talaga ang pagkakahawig nila ni Travis. “G-Good morining.” medyo naiilang kong tugon sakaniya. Sa kabilang banda ay nakaramdam ako ng guilty lalo ng maalala ko ang halikang namagitan saamin ni Simon kagabi. “Bangon ka na sweetheart.” malambing na turan ni Travis saka ako inalalayang bumangon. Nakangiti niyang ikinalang ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng punong tenga ko. “Ahm, Travis, aalis ka ba ngayon?” tanong ko sakaniya. “Yeah, my out of town meeting ako. Idadaan na kita sa ospital bago ako pumasok sa office. Then, mamayang hapon si Mang Poldo ang susundo sayo kasi hindi ako makakauwi mamayang gabi.” nakagat ko ang ibabang labi ko para supilin ang aking ngiti. “Bakit parang ang saya mo yata? Masaya ka bang di ako uuwi?” may pagdududa niyang puna saakin. “H-ha? Hindi ah! Naisip ko lang si Mama
Last Updated : 2025-08-27 Read more