AVERY'S POV. “Sorry, beshy, sa dami kasi ng nangyari at gumugulo sa isip ko ay hindi na kita naalala. Di mo lang alam ang dami kong pinagdaanan lately. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay nakalimutan ko na ang pagkakaibigan natin.” nakayuko kong sagot. “Congratulations huh, kayo na pala ng ultimate crushy mo.” sahalip ay sarkastiko niyang turan saka padabog na isinilid ang kaniyang libro sa loob ng kaniyang bag. “Beshy, sorry na..” pang-aamo ko sakaniya saka nag pa-cute sa harapan niya. “Di mo na ba ako mahal beshy ko? Friendship over na ba?” malungkot ko pang dagdag. Bumuntong hininga siya. “Matitiis ba kita? Kahit ang dami kong tampo sayo, hindi kita matiis.” nakanguso niyang turan kaya naman nayakap ko siya ng mahigpit. “Beshy, salamat! Sorry din talaga!” “Kailan pa naging kayo ni Simon?” tanong niya saakin pagtapos mag turo ni Prof. Minchin. “Hmm, ano kasi beshy..” Hindi naman sa pinaglilihiman ko siya, pero hindi ko lang kasi talaga alam kung paano ko ba ikuk
Last Updated : 2025-09-16 Read more