AVERY'S POV “Anak, pasensya ka na kung nagiging pabigat na ako sayo.” hinawakan ni Mama ang kamay ko. Sinusubuan ko siya ngayon ng aroscaldo. “Ma, ano bang pinagsasabi mo dyan? Hindi ka kailan man magiging pabigat saakin. Inalagaan mo ako nung baby pa ako at hanggang ngayon na dalaga na ako ay inaasikaso mo pa rin kami. Ngayon na ikaw naman ang nangangailangan ng pag aaruga, syempre bilang anak mo, ako naman ang dapat na mag intindi sayo. Hayaan mong ako naman ngayon Mama ang mag alaga sayo.” naluluha kong turan. Parang nilalamukos ang puso ko kapag pinagmamasdan ko ang hitsura ni Mama. Kung pwede nga lang na ako na lang ang nasa kalagayan niya para hindi ko na siya nakikitang nahihirapan. Kasi kung ako lang, kakayanin ko. Kahit anong pagsubok, kaya kong harapin. Pero ang hindi ko kaya ay ang makitang nahihirapan ang aking pamilya lalo na ang pinakamamahal kong Mama. Sila ang kahinaan ko. Wala akong pinagsisisihan sa ginawa kong desisyon. Kung mangyayari at mangyayari ulit ito,
Last Updated : 2025-08-20 Read more