AVERY'S POV Matapos kong mailista ang mga order nila ay agad na akong umalis sa lamesa nila at nagtungo sa service counter. "Avery, anyari sayo? Bakit para kang nakakita ka ng multo diyan ha?" puna saakin ni Bea. Umiling ako at pekeng ngumiti. "Hindi ah, medyo nakakaramdam lang ako ng pagod." palusot ko saka ibinigay sa bar tender ang order nila Simon. "Pagod ka na agad, eh halos kasisimula pa lang natin ah? Kanina energetic ka pa at sobrang saya. Ang bilis mo namang mag change mood." aniya. "Kulang lang siguro ako sa tulog." pagdadahilan ko." "Abay, tulog-tulog din pag may time. Baka ma-over fatigue ka niyan, sige ka lahat ng pinaghirapan mo, doctor ang makikinabang." turan niya. tipid na ngiti lang ang isinagot ko sakaniya. Umalis na rin naman siya dala ang order na alak at pulutan ng kaniyang customers. Sunod namang inilapag ng bartender sa service center ang mga inorder ng customer ko. "Avery, ito na yung sayo." nakangiting turan ni Alex ng ilapag ang tray na na
Last Updated : 2025-08-10 Read more