3RD PERSON'S POV “Hi, Girl! Ilang araw ka na namang wala ah! Pansin ko, always ka na lang absent,” puna ni Andrew kay Avery nang maupo siya sa tabi nito. Tinanggal niya ang body bag niya sa katawan at inilagay sa kaniyang likuran. “May inaasikaso lang, baks,” baling ni Avery sa kaniya. Mula sa kabilang bahagi ni Andrew, ay natanaw niya si Fiona. Di tulad ng dati na tahimik lang ito, ngayon ay nakikipagkwentuhan at tawanan na ito kay Maxine. Mukhang nakakuha na ito ng bagong kaibigan at tuluyan na nga siyang binura ni Fiona sa buhay nito. Malungkot niyang ibinalik ang paningin sa desk at napabuntong hininga na lamang. Miss na miss na niya ang kulitan nilang dalawa ni Fiona. Nang dahil lang sa lalaki ay nasira silang magkaibigan. Kung alam lang niya na balang araw ay makikilala niya si Travis at mahuhulog ang kaniyang loob dito, ipapaubaya na niya si Simon kay Fiona. Habang Nagle-lecture ang kanilang professor ay panaka-nakang naglalakbay ang diwa ni Avery. Pinipilit na lang tal
Huling Na-update : 2025-10-20 Magbasa pa