Kabisadong-kabisado na ni Riva ang kanyang Tiya Fatima kapag meron itong kailangan sa kanya. Kahit wala pa itong sabihin, ramdam na niya agad—parang matigas na tinapay na isinawsaw sa mainit na kape, may kapalit ang bawat galaw.“Riva! Hija! Mabuti at nandito ka na!” Bago pa siya makapagsalita, sinalubong na agad siya ng Tiya, malawak ang ngiti, at may halong lambing na peke sa tono. Inalo nito si Riva at mabilis na tinanggal ang nakasabit na bag mula sa kanyang balikat, para bang biglang siya na ang may-ari ng gamit.Alam na alam ni Riva ang ganitong kilos—kapag ganito ang pagbati, malaki ang pangangailangan. Agad niyang hinablot ng magina pabalik ang bag at siya na mismo ang naglagay nito sa marmol na mesa, marahan pero may diin, na parang may sinasabi na hindi na niya kailangang banggitin.“Si Papa?” tanong ni Riva, habang sinisipat ang bawat sulok ng sala.“Nandun, nagpapahinga. ‘Wag na muna nating disturbuhin…” Ngumiti ang Tiya, ngunit halata sa kanyang mata ang pag-iwas. Tumango
 Last Updated : 2025-08-09
Last Updated : 2025-08-09