Kabanata 83NANENG POINT OF VIEWTWO MONTHS LATER"Ivan, ito ang pampabayad ko sa parcel. Aalis na ako, late na ako sa part-time ko.""Ate, ulam natin? Saka, wala din tayong bigas. Ate, magpapasko na, wala ka ba plano na maghanda?""Pasko na ba? Naku, pasensya ka na Ivan, nakalimutan ko. Ito ang ATM ko; mag-groceries kayo ni bunso. Malalaman iyan mamaya kung mapapaaga ang uwi ko. Basta bumili ka lang ng sapat sa atin tatlo.""Sige, Ate 'Neng. Pero ate 'Neng?""Bakit? May kailangan ka pa ba?""Wa-wala ate—ingat ka. Uwi ka maaga, ha?"Ginulo ko ang buhok ng kapatid ko bago ako umalis. Dali-dali akong lumabas ng bahay, at nag-abang ng jeep patungo sa trabaho ko."Ate, paabot po ng bayad ko. Kantp lang."Inabot ng matandang babae ang bauad niya sa akin, inabot ko din sa kasumod ko at nag-abot din ako ng pambayad ko."Saan 'to?" Tanong ng tsuper."Dr Clinic lang po, diyan lang sa susunod na kanto."Nang makababa ng jeep, dali-dali akong naglakad patungo sa clinic na pinagtatrabahuhan ko.
Last Updated : 2025-10-20 Read more