Napatingin si Theo kay Fiona.“Ma, anong ginagawa ninyo dito?”Sa loob ng ilang segundo, hindi ito kumilos. Nakahawak lang ito sa phone, parang hindi rin nito inaasahan na pupunta roon ang sariling ina.“Ma,” maingat nitong sabi, “sandali lang po. Pupuntahan ko kayo.”Pagkababa ng tawag, agad itong tumayo.“Sasama ako,” sabi niya.Napatigil si Theo. “Fiona—”“Kung nandito ang mommy mo, at nasa Ayala Tower siya, hindi ba dapat lang na i-welcome ko din siya?”Hindi ito agad sumagot. Nakita niya ang pagdadalawang-isip sa mukha nito. May proteksiyon doon. May pag-aalala. Pero may takot din, hindi para sa sarili nito, kundi para sa mangyayaring salpukan ng dalawang pangalan.“Hindi mo kailangang humarap sa pamilya ko. Maybe this is not the right time,” sabi nito.Dahan-dahan siyang tumango. Takot din naman siya.Mabilis itong lumabas ng opisina.Ngunit makalipas ang ilang minuto, sumunod pa rin siya.Pagbaba niya sa lobby ilang minuto matapos mauna si Theo, nakita niya agad ang mag-ina.Sa
Read more