“Tell me honestly,” mababa nitong sabi, “may gusto ka pa rin ba kay Daryl hanggang ngayon?”Tahimik ang kwarto pagkatapos ng tanong ni Brent.Dahan-dahang ibinaba ni Candice ang tingin. Hindi siya agad sumagot.Sa loob-loob niya, halos matawa siya sa tindi ng kabalintunaan. Oo, nagustuhan niya si Daryl noon, pero sandali lang. Isang tahimik na paghanga sa isang mabait at gentleman na lalaki. Isang crush na kusang nawala nang malaman niyang si Iris ang laman ng puso nito. Pagkatapos noon, parang kuya na lang ang tingin niya rito.Pero siyempre, hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito.Kung gusto ni Brent ng dahilan para manatiling kasal sa kanya, ibibigay niya.“Hindi ko alam,” mahina niyang sagot, sabay yuko.Agad siyang nilapitan ni Brent.Mabagal, pero determinado.Sa isang iglap, naroon na ito sa harap niya. Marahan ngunit mariing hinawakan ang baba niya at itinaas ang mukha niya para mapilitang magtama ang mga mata nila.“Candice,” paos nitong sabi, mas mababa na ngayon ang bos
Read more