“Ipaliwanag mo nang mabuti,” ani Brent.Humakbang ito pasulong, at tahasang pumuwesto sa pagitan ni Candice at ni Zion.Walang bahid ng pag-urong sa mukha ng bodyguard, pero may bigat sa panga at sa mga mata.“Ako ang nagpakidnap kay Cassandra,” ulit nito, mas malinaw ngayon. “Dinala ko siya sa isang secured na lugar. Wala akong ibang intensyon kundi takutin siya at pilitin siyang magsabi ng totoo.”“My God, Zion,” bulalas ni Candice, napahawak sa sintido. “Alam mo ba kung gaano kabigat ang ginawa mo?”“Alam ko po.”“Hindi, hindi mo alam!” Napahakbang siya palapit. “Kidnapping ’yon! Pwede kang makulong dahil doon!”Hindi man lang kumurap si Zion. “Tatanggapin ko ang kapalit kung kinakailangan.”Mas lalong uminit ang ulo ni Candice sa kalmadong sagot nito.“Ano’ng nakuha mo?” tanong ni Brent. “Kung umabot ka sa ganitong kalokohan, may napala ka ba?”Doon lamang bahagyang gumalaw ang ekspresyon ni Zion.“Hinarap ko siya nang diretsahan,” sagot nito. “Paulit-ulit kong tinanong kung may ki
Read more