Nanlaki ang mata ni Candice, pero pinigil niya ang reaksyon. Hindi dahil nahiya siya, kundi dahil alam niyang sinasadya ni Cassandra. Gusto nitong makita kung ano ang sasabihin ni Brent. Gusto nitong makahanap ng butas.Pero si Brent… hindi nagulat. Hindi rin nagmukhang na-corner.Sa halip, ngumiti lang ito nang kalmado, parang sanay humarap sa board meeting at mas sanay humarap sa mga taong mapanghusga.“Hindi pa ngayon,” sagot ni Brent, mahinahon, pero may diin. “Pero seryoso ako. At doon din ang tungo namin, tiyak. Gusto ko planado ang lahat to give Candice the best.”Parang may dumaan na malamig na hangin sa batok ni Candice.Hindi dahil sa takot.Kundi dahil… kahit siya, gusto nang maniwala.Napansin niya ang biglang pag-iba ng aura sa sala. Si Don Carlos, bahagyang tumuwid ang upo. Ngumiti si Leah na parang may nakitang pagkakataon.“Ay wow,” sabi ni Cassandra, kunwaring kinikilig. “Brent, just in case ma-bored ka sa kapatid ko, I’m available.”“Pasensya ka na, Brent, palabiro t
Read more