Tumigas ang panga ni Brent.“Zion, huwag mong kakalimutan kung sino ka sa buhay ni Candice.”“Ikaw? Sino ka ba sa buhay ni Miss Candice?”“Malinaw na asawa niya ako at ikaw ay isang hamak na bodyguard.”Agad lumapit si Candice sa dalawang lalaki bago pa tuluyang sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga ito.Isang iglap, parehong natahimik ang dalawa.“Oh, ang agang bonding naman ninyo,” aniyang nakangiti.Humakbang si Brent palapit sa kanya.Inilapag naman ni Zion ang paper bag sa lamesa.“Miss Candice, dala ko ang paborito mong ang hopia de ube,” sabi nito. “May ramen din na kasama.”Nanlaki ang mata ni Candice.Hindi dahil sa pagkain.Kundi dahil sa simpleng detalye na alam din pala ni Zion ang ganitong maliliit na bagay tungkol sa kanya.“Zion, bakit ka nandito? May kailangan ka ba?”“Yes, Miss Candice,” sagot nito. “May kailangan kang pirmahan. Tsaka ibinili kita ng paborito mo.”“Salamat,” sabi niya. “Sige, tara sa study. May sasabihin din ako sa’yo.”Sa gilid ng paningin niya, naki
Read more