“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Candice.“May pumindot po sa fire alarm, ma’am. Wala pong usok, walang sunog, wala ring faulty wiring. Iniimbestigahan na po namin kung sino ang gumawa.”Sa gilid ng paningin niya, nakita niya si Cassandra na nakatayo malapit sa ibang tenants. Yakap-yakap pa rin nito ang sarili, takot, mukhang inosente, pero sa isang kisapmata, nakita niya ang mabilis nitong pag-iwas ng tingin.Sumikip ang dibdib niya. Hindi kaya ang magaling niyang stepsister ang may gawa?Hindi pa sigurado. Wala pa siyang ebidensiya.Pero may malamig nang kutob na kumagat sa sikmura niya.“Review the CCTV,” utos niya sa staff. “Lahat ng camera sa floor, hallway, at east corridor. Gusto ko ng report agad.”“Yes, ma’am.”Umalis agad ang staff.Tahimik si Brent sa tabi niya. Nararamdaman niya ang titig nito, pero bago pa ito makapagtanong, may isa pang anyong lumapit mula sa likod ng mga guard.Matangkad at gwapo. Naka-itim. Matikas ang tindig.“Ma’am Candice. Okay lang po ba kayo?”
Read more