Hindi sinagot ni Zion ang tanong ni Cassandra.“Sino si Thess?” ulit nito, mas matalim ngayon.Imbes na sumagot, ipinasok ni Zion ang phone sa bulsa. Lumapit siya, inakbayan ito, at dahan-dahang hinila palapit sa kanya.“Umuwi na tayo.”“Zion…”“Gabi na. Malamig pa.” Mas hinigpitan niya ang akbay. “Baka magkasakit ka.”Naramdaman niyang nagmatigas ang katawan nito sa ilalim ng braso niya. Pero hindi ito kumawala. Naglakad silang magkatabi palabas ng basang sidewalk, ang ilaw ng poste ay kumikislap sa tubig sa kalsada. Hindi na nagtanong ang asawa.Kinabukasan, naunang gumising si Cassandra.Alas-sais pa lang ng umaga, naamoy na ni Zion ang nilulutong almusal mula sa kusina.Paglabas niya, nakita niya si Cassandra sa dining area, nakasuot ng simpleng blouse at palda, nakapusod ang buhok, at abala sa pag-aayos ng plato. May toasted bread, itlog, bacon, at kape. Simple lang. Pero may kung anong humaplos sa dibdib niya.“Good morning,” bati nito, mabilis ang tingin sa kanya bago umiwas. “K
Read more