Pagdating nila sa private resort, nakalimutan ni Cassandra ang pagod sa biyahe.Parang paraiso ang lugar.Malawak ang beachfront na maputi ang buhangin, may mga villa na nakahilera sa gilid ng palm trees, may infinity pool na kumikinang sa ilalim ng araw, at may tahimik na hangin na amoy dagat at mamahaling pabango ng lugar.“Wow,” bulong niya habang bumababa ng van. “Ito ba talaga ang raffle prize?”Tumabi sa kanya si Zion, naka-cap at mask pa rin.“Zion, parang pang-honeymoon ’to.”Saglit itong tumingin sa kanya. “Pwede naman.”Nanlaki ang mata niya. “Ano?”“Magiging honeymoon talaga natin ‘to.”Sa likod nila, biglang umubo si Theo.“Okay ka lang, Sir Theo?” tanong ni Cassandra.“Opo, Ms. Cassandra,” sagot nito. “Kayo okay naman sa byahe?”“Oo, salamat!”Lumapit ang staff para ibigay ang room assignments.“Each winner will have one villa,” paliwanag ng staff. “Kasama na po ang companion sa assigned room. Breakfast, lunch, dinner, and scheduled activities are covered.”Napatingin siya
Baca selengkapnya