“Umabsent tayo.”Tahimik na nakahiga si Cassandra, nakatalikod pa rin kay Zion. Ramdam niya ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya.Dati, isang yakap lang ni Zion, okay na siya.Pero ngayon, kahit nakayakap ito sa kanya, may parte ng dibdib niyang nananatiling manhid.“May pasok ako.”“Mag-excuse ka na lang.”Hindi siya agad sumagot.Sa dilim, nakatitig lang siya sa pader.Sinusubukan nitong bumawi.At iyon ang pinakamahirap sa lahat. Hindi pa niya kayang bitawan si Zion. In fairness naman kay Zion, minsan, maayos ang pakikitungo nito sa kanya at nararamdaman niyang mahalaga siya. O baka naman halusinasyon lamang niya ang mga ito.“Cass,” bulong nito. “Mamasyal tayo bukas.”Pumikit siya.Eleven months.Kailangan niyang mag-ipon ng alaala.Dahil balang araw, kapag wala na siya sa tabi nito, iyon na lang ang madadala niya.“Sige,” sabi niya sa wakas.Mas humigpit ang yakap ni Zion. Hindi ito nagsalita, pero naramdaman niya ang paghinga nitong bahagyang lumuwag.At ang nakakatawa,
Read more