Niyaya ni Cassandra si Blessie sa kwarto.Nasa loob na sila, pero hindi pa rin nauubos ang kuwento ng kaibigan.Nakaupo ito sa kama, nakapulupot ang kumot sa katawan, may hawak pang chips sa isang kamay habang paulit-ulit na kinukuwento kung gaano ka-unfair ang pamilya nito.“Bes, imagine mo,” sabi ni Blessie, halos pang-sampung beses na yata, “gusto nila akong ipakasal sa anak ng kaibigan ni Daddy. Anak ng kaibigan, ha. Ginawa akong paninda.”Nakaupo si Cassandra sa gilid ng kama, hawak ang phone sa ilalim ng unan.“Yes, bes. Mali naman talaga na pilitin ka sa taong hindi mo gusto.”“Hindi ako produkto na puwedeng i-bundle sa business deal.”“Oo, bes.”“Hindi ako livestock.”“Oo, hindi ka kambing.”“Ha?!”Muntik nang matawa si Cassandra, pero napapitlag siya nang mag-vibrate ang phone niya.Alam niyang si Zion ‘yun. Mabilis niyang sinilip ang mensahe.“Lumabas ka na.”Napakagat siya sa labi.Tumikhim si Blessie. “Bakit ka namumula?”“Mainit lang.”“Naka-aircon, Cassey.”Kinuha niya an
Baca selengkapnya