“Sir, hindi ko din po alam,” ani TheoTahimik sa loob ng sasakyan ni Zion.Nasa driver’s seat si Theo, paminsan-minsang sumusulyap sa rearview mirror habang si Zion ay nakaupo sa likod, nakasandal pero hindi nakapikit. Madilim ang mukha nito, nakatikom ang bibig, at ang dalawang kamay ay nakakuyom sa ibabaw ng hita.Kanina pa sila umaandar, pero parang naiwan pa rin ang isip ni Zion sa eksenang nakita niya.Si Cassandra, nakasakay sa kotse ni Neil.Tinatawag nitong baby si Neil sa harap niya.Baby.Muling kumirot ang puso niya.“Sir, umpisahan na natin ang Operation Suyo.”Dahan-dahang bumaling ang tingin niya sa assistant. “Operation Suyo?”“Opo.”Halos mapaupo nang tuwid si Theo. “Sir, ayon sa nabasa ko, may three categories po ang panunuyo. Apology, consistency, and emotional accountability.”“Paano pa mag-apologize? Bilhan ko kaya siya ng condo,” biglang sabi niya. “Car. Jewelry. Bag.”Napasulyap si Theo sa rearview mirror. “Sir, huwag material na bagay ang unang ibigay ninyo.”“W
Read more