Kanina siniko siya, ngayon sinipa naman siya. Makakatikim talaga si Theo mamaya.Zion cleared his throat. “N-naiihi ako.”Masyadong malalim.Umubo si Theo nang malakas.Napatingin si Cassandra kay Thess. “Gising ka din?”“Oo,” mabilis na sagot ni Theo. “Naiihi din ako.”Kumunot ang noo ni Cassandra, pero antok na antok pa rin ito para magtanong.“Nauuhaw ako,” sabi nito.“I’ll get water,” mabilis na sabi ni Zion, ngayon ay mas pinipit ang boses. “Stay there.”“Ang caring mo naman,” bulong ni Fiona na hindi pala tulog. “Zeny, kung single ka, may irereto ako.”Nasamid si Zion kahit wala pang iniinom.“Sige, sino ba irereto mo? Set ka ng blind date,” aniyang kinilabutan sa sinabi.“Ipapakilala kita kay Theo.”Theo covered his face with the blanket.“Sure, gusto ko siyang makilala,” aniya matapos lang ang usapan.Sa kusina, mabilis siyang kumuha ng tubig. Nang bumalik siya, inayos na ni Theo ang wig niya nang pasimple nang sinundan siya sa kusina.“Baligtad po ang pagkakabit ninyo, mukha
Read more