Magkaharap pa sina Cassandra at Zion sa dulo ng hallway, hindi alam na may nakaambang panganib sa kanila.Hindi pa rin kumakalma ang dibdib ni Cassandra matapos marinig ang paghingi ng tawad ni Zion. Gusto niyang hawakan nang mahigpit ang sakit para hindi na siya muling maloko ng lambing, ng apology, ng matang mukhang nagsisisi.Pero ang problema, hindi niya mapigil ang pagkabog ng puso niya.At nakakainis iyon.Kaya bago pa siya tuluyang maapektuhan, tinaas niya ang kilay at nagpanggap na malamig.“Nga pala,” sabi niya, pinunasan ang luha gamit ang likod ng kamay. “Sa susunod na magreregalo ka sa iba, itago mo naman ang resibo.”Kumunot ang noo ni Zion. “Anong resibo?”“Diamond ring. Laptop. Bag.” Mapait siyang ngumiti. “Congratulations. Generous ka pala talaga kapag si Chelsea ang pagbibigyan.”Saglit na nanigas ang mukha ni Zion. Pagkatapos, tila may naintindihan ito. Hindi ito nagdefend agad. Dahan-dahan lang nitong hinawakan ang siko niya, maingat, halos nagpaalam sa haplos.“Tar
Magbasa pa