Natahimik ang buong silid.Para bang sabay-sabay na nawala ang tunog sa paligid. Ang mabilis na tibok na kanina ay naririnig nila mula sa monitor ay biglang naging mas malakas sa pandinig ni Cassandra.At ngayon, parang hindi lang isa.Mahigpit ang hawak ni Zion sa kamay niya.“I need to confirm this clearly,” maingat na sabi ng doktor habang muling ginagalaw ang probe sa tiyan niya. “But I’m seeing more than one heartbeat.”Napigil ang hininga ni Cassandra.More than one.Sa likod nila, narinig niya ang mahinang singhap ni Leah. Si Don Carlos ay nanahimik. Si Chairman Daniel, sa unang pagkakataon simula nang dumating sila sa clinic, ay hindi nagsalita.“Doc…” Nanginginig ang boses ni Cassandra. “Ilan po?”Saglit na hindi sumagot ang doktor. Nakatuon ang mga mata nito sa monitor. Gumalaw pa ito nang bahagya, pinakinggan ang tunog, inayos ang angle, at muling ngumiti, mas malawak ngayon, pero halata pa rin ang gulat.“Congratulations,” sabi nito. “Triplets po ang nakikita ko.”Walang k
Read More