Miley’s POV.NAPANGITI ako nang ilibot ang tingin sa kabuuan ng mesa. Katatapos ko lang magluto at mag-set up ng mesa. Simpleng breakfast lang dahil hindi ko alam kung ano ang gusto ni Clifford. Nagluto ako ng scrambled egg, bacon, salad, fried rice, at nagtimpla na rin ako ng kape para kapag dumating siya ay handa na lahat.“Hindi ko alam na marunong ka palang magluto, Miley,” komento ni Nora na tinulungan ako sa pag-aayos ng mesa.Tipid akong ngumiti. “Paanong hindi ako matututo e, maaga akong iniwan ng nanay ko? Habang ang lolo ko naman ay nagtitinda ng taho kaya madaling araw palang ay wala na siya sa bahay. Kaya ako na ang mag-isang nag-aasikaso sa sarili ko mula pagkagising at pagpasok sa paaralan,” pagkukwento ko.Huminga ako ng malalim at isang beses pang sinipat ang mga pagkain sa mesa. Naalala kong wala pa palang juice na nakalabas. Kaya inutusan ko si Nora na kunin ‘yon.Habang hinihintay siya ay naghila na ako ng upuan para maupo pero hindi pa man ako nakakaupo ay napapitl
Last Updated : 2025-08-01 Read more