Clifford’s POV.Lumalalim na ang gabi. Ang ilaw ng chandelier ay hindi na kasing liwanag kanina. Ang musika, mas mabagal na. Mas mahinhin. Ang tawanan, paunti-unti na lang. Lahat ay nagkakahiwa-hiwalay sa maliliit na grupo, naglalasing, nagbubulungan, naglalandi. Ang iba naman ay umuwi na.Samantalang ako ay nakaupo pa rin sa stool patalikod sa bar. Hindi alam kung pang-ilang baso na ng whiskey ang nainom ko habang nakatitig sa magandang mukha ng asawa ko na nasisinagan ng kaunting liwanag.Nasa mesa pa rin siya, tahimik na nilalaro ang cocktail glass na hawak niya. Hindi ko alam kung pang-ilang baso na niya ‘yon pero ang sigurado ako, hindi siya lasing. Pero mukhang malalim ang iniisip niya.Mula rito, tanaw ko ang liwanag na bumabalot sa mukha niya. Sapat para makita kong inaantok na siya. Gusto ko siyang lapitan at ayain nang umuwi pero wala akong lakas ng loob.Napailing ako. Hindi ito dapat ganito.Hindi ko siya pinakasalan para saktan ang sarili ko. Ginawa ko 'to para protektaha
Last Updated : 2025-08-06 Read more