Miley’s POV.Manghang-mangha si Mama nang makarating kami sa bahay ni Clifford. Maya’t-maya niyang binabanggit na siguro ay napakamahal ng mga gamit na nasa loob no’n. Hindi siya makapaniwala na ito na ang buhay ko at marami siyang tanong tungkol sa ‘kin, sa ‘ming mag-asawa.“Aalis muna ako, Millicent. ‘Wag na ‘wag kang lalabas,” bilin ni Chanda.Nasa living room kami at kasalukuyang nagme-meryenda.“S-susundan mo ba si Clifford?” lakas-loob na tanong ko.“Yeah,” tipid na tugon niya.“U-uuwi ba kayo mamaya?” tanong ko pa.“I don’t know, Millicent. Like what I’ve said earlier, he’s cleaning the mess you made,” tila nauubusan na ng pasensya na tugon niya at hindi na hinintay ang sunod kong sasabihin.Wala akong nagawa kundi sundan siya ng tingin. Hanggan ngayon ay iniisip ko pa rin ang ibig niyang sabihin sa nililinis ni Clifford ang kalat na ginawa ko.“Anak, sino ba ang babaeng ‘yon at tila palagi ka niyang tinatarayan?” tanong ni Mama na nakapagpabalik sa ‘kin sa kasalukuyan.“T-Tauh
Last Updated : 2025-08-12 Read more