Miley’s POV.“Ano na ang sunod mong gagawin?” tanong ko habang nakaunan sa braso niya. Hinihimas niya pa rin ang buhok ko sa mga oras na ‘to. Kahit papaano ay nahimasmasan na ako.“I just want to rest. I don’t want to think about it now,” kalmadong turan niya.“M-Masakit pa rin ba ang mga sugat mo? M-Magpunta kaya tayo sa ospital? Nauntog ba ang ulo mo?” sunod-sunod na tanong ko at tiningala siya.“I’m good, now that I’m here with you,” tugon niya.Napanguso ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. “What’s wrong?” agad na tanong niya at masuyong iniangat ang baba ko.“Bakit kailangang siya ang tawagan mo? Bakit hindi ako?” tanong ko at bumuntong hininga.“It’s because she knows what to do,” tugon niya.Kumunot ang noo ko. “Does that mean wala akong alam? Kaya rin naman kitang alagaan,” katuwiran ko.He chuckled. “It’s not that,” umiiling na turan niya.“Then, what? Hindi kita maintindihan,” pakli ko. Tuluyan na siyang natawa at niyakap ako ng mahigpit. Pagkatapos no’n ay natahimik kami.
Last Updated : 2025-08-10 Read more