PACO Gaya ng sinabi ko kay Reese ay inilibot ko siya sa Hacienda pagkatapos naming mag-almusal. Naglakad kami papunta sa rancho. “Ay, naiwan ko yung cap ko sa lamesa, ang init.” reklamo niya kung kaya't kinuha ko ang cowboy hat ko at inilagay sa kanya. “Oh, sayo na muna ‘to,” “Teka, paano ka?” “Wag mo akong alalahanin, sanay ang balat ko sa araw dito sa Hacienda. Tignan mo nga balat ko oh, kayumanggi. Aba, Tall, dark and handsome yata ‘to!” pagyayabang ko sa kanya habang nakangisi. “Tall, dark and handsome nga, manloloko naman… tss!” “Reese, hindi nga kita niloko, iyon lang ang akala mo dahil ayaw mong tanggapin ang paliwanag ko. Magkaibigan lang kami ni Gracey at saka… may asawa na siya ngayon kaya wag ka ng magselos dyan.* “Hindi ako nagseselos! kita mo nga, updated ka pa rin after all these years!” “Hindi ako updated! eh friends ko siya sa social media kaya malamang makikita ko kung magpo-post siya. Mag-aaway ba tayo o mamamasyal?” “Mamamasyal.” tipid na sagot niya
Last Updated : 2025-11-07 Read more