REESE It was a garden wedding here at Casa Joaquin. Pinagbihis na nila kami kaagad dahil naghihintay na ang judge na magkakasal sa amin. At dahil pinlano ko nga ito ay naka-ready na ang lahat at kami na lang ni Paco ang kulang. agad na siyang pumwesto sa gilid sa harap ng altar habang ako naman ay nasa entrance na kasama si daddy. “Reese, anak, basta ah, pag sinaktan ka ng lokong yan, magsabi ka lang sa akin, may kalalagyan yan!” “Dad naman eh… akala ko ba boto ka kay Paco?” “Eh paano ba naman, wala sa usapan namin na buntisin ka niya, nagulat na lang ako nang sabihin sa akin ni Jonas.” “Sorry daddy, basta biglaan lang talaga nangyari eh… are you disappointed?” “Hindi naman… nasa tamang edad ka naman na eh at saka… ganyan lang din kami nagsimula ng mommy mo, bigla lang kayong dumating sa buhay namin kaya lang itong si Paco, seventeen ka pa lang non, nagpaalam na yan sa akin… eh akala ko biro-biro lang dahil mga bata pa kayo noon eh… tototohanin pala niya at.. sa tingin
Last Updated : 2025-11-30 Read more