CASSANDRA“Ninong, kumain ka na, sabayan mo na ako dito!” pag-aaya ko kay Ninong na kumain dahil dumating na yung inorder niyang foods.“Sige na, mauna ka ng kumain, wala akong gana kapag umiinom ako.” saad niya na tinutungga yung nakita niyang flavored beer sa ref kanina.“Eh bakit ka kasi nag-inom?! May trabaho pa tayo bukas at saka ang dami-dami nitong inorder mo, ako lang kakain ng lahat ng ‘to?!” “Pwede ba? Wala kang pakialam sa buhay ko, Cassandra! Mind your own business!” “Hmp! Bahala ka nga dyan!” asik ko sa kanya at kumain na lang. “Nga pala mamaya, dyan ka na sa kama matulog, ako na dito sa sofa.” saad niya habang nag-iinom pa rin at nanunuod ng TV. Itong si Ninong, hindi mo maintindihan eh, sala sa init, sala sa lamig! Kanina lang ang bastos makipag-usap tapos ngayon ang gentleman naman! “Okay.” iyon nalang ang sinabi ko sa kanya, tutal ang sabi niya ay mind your own business, edi mind your own! Tss!Nang matapos ako sa pagkain ay nagpahinga muna ako sandali at nagdutd
Last Updated : 2025-08-02 Read more