PACO TWO WEEKS LATER… Gumaling na ang binti ni Reese at nakakalakad na talaga siya. Sinulit niya ang tatlong araw sa paglilibot sa Hacienda Del Riego kasama ako ngunit hindi na ako umaasang magkakabalikan pa kami. Okay na ako. Natanggap ko na. May mga bagay talaga na kailangan mong pakawalan para hindi ka na masaktan at para hindi ka na rin makasakit pa. Kausap ko ngayon sa phone si Daddy. Gabi na dito sa Mansyon at umaga naman doon sa US. “Ano? Ang labo mo naman, akala ko ikakasal ka na, bakit biglang hindi natuloy? Ano bang problema ninyo ni Reese?” “Ayaw na ngani, magpakasal ngani, ano gagawin ko, Dad? Pilitin ko ba?” “Bakit ayaw? Baka naman kasi may ginawa kang damuho ka!” “Wala ah, ang bait bait ko eh, hayaan na lang natin kung ayaw at saka diba ang turo mo sa akin pakawalan ko, pag sayo edi sayo, pag hindi edi hindi.” “Gago! oo sinabi ko nga iyon pero hindi ko sinabi na sukuan mo kaagad! loko! kung sinukuan ko kaagad ang mommy mo naku, sigurado ako wala ka! ah basta,
Last Updated : 2025-11-26 Read more