Chartlotte Bago ko pa makalimutan ang lakad namin nila Prince. Ngayon ko na sasabihin kay Alexaiver, na may lakad kami sa darating na biyernes. Binabagtas na namin ang kalsada patungo sa airport. Katabi ko si Alexaiver sa passenger seat. Tatluhan ang upuan kaya si Kuya Raffy kasama namin ako ang gitna nila. Sanay na ako sa kuya Raffy. Hindi ako nag-alanganin dito kahit nasa harapan ko, ako'y nakikipag-usap kay Alexaiver kahit marinig pa n'ya. Tumingin ako kay Alexaiver nakatingin din pala siya sa akin ngumiti ako. Hmmp ano naman kaya iniisip nito. “Sir! May sasabihin ka?” nauna akong magtanong sa kaniya. Umuling si Alexaiver. “Ako pala ang mayroon sasabihin sa ‘yo,” wika ko kinasalubong ng kilay niya. “Tungkol saan?” “Sa biyernes paglabas ko galing trabaho. May lakad kami nila Prince kasama si Jade at Naomi,” “Why?” “Birthday ni Prince, lalabas kaming magkakaibigan. Diba sabado naman? Edi, sa bahay ako uuwi noon. Kaya okay lang naman diba?” Matagal sumagot kaya
Last Updated : 2025-08-29 Read more