Charlotte “Ang aga pa baby, bakit naman gising ka na?” tanong ko sa kaniya ng kinuhit niya ako sa braso. Nakaupo ito sa may balikat ko. Hinaplos ko ang pisngi nito. Nakangti ako kahit nakapikit ang isa ko pang mata. Bumangon ako hinalikan ko sa noo niya “Good morning too my baby Amhella,” “Mommy, I told you. I'm not baby anymore like kuya Alzen said,” Mahina akong tumawa inayos ko ang buhok niya nakatabing sa kaniyang mata. Iniipit ko sa likuran ng tainga niya. “Well para sa mommy kayo ni kuya ay forever kong baby,” tugon ko s kaniya. Humagikhik lang kaya natawa na lang ako. Pinanggilan ko pupugin ng halik sa leeg niya. Nakilti ang bata kaya maingay lang kami. Nang sumenyas ako na tahimik lang dahil tulog pa ang kuya niya. Ang cute nagtakip ng bibig niya ngumiti na lang. “Oops! Sorry po kuya,” buong nito. “Sa baba na lang tayo anak,” wika ko s kaniya. Tumango ito. “Okay po mommy,” sagot niya bumaba sa kama. “Wait lang anak,” pinigilan ko baka tumakbo sa hagdan. Chandelier
Last Updated : 2025-08-31 Read more