Natigilan si Derrick at napatitig kay Alyana. Halos maipikit ang kanyang mga mata sa bigat ng guilt at pagsisisi, ngunit para kay Alyana, huli na ang lahat. Wala nang halaga ang anumang dahilan o paliwanag, pag sisisi o kahit na ano, lahat ay tila wala na.“Masaya ka na at nasira mo na ako?” muling tanong niya, mas mataas na ang boses at mas matindi ang galit, habang patuloy niyang hinahampas si Derrick sa dibdib, balikat, at braso, parang sa bawat hampas ay inilalabas niya ang lahat ng sakit.“Alyana…” mariing sambit ni Derrick, sinusubukang hawakan ang kamay niya upang pigilan ang galit at sakit, ngunit wala nang epekto, patuloy pa rin si Alyana sa kanyang galit.“Alyana, enough. Let’s just go,” kabadong sambit ni Kyllie, habang sinusubukang awatin siya, nanginginig ang mga kamay at parang hindi matiyak kung paano hahawakan ang kaibigan na tila hindi na makontrol ang sarili.Ngunit biglang nanghina ang katawan ni Alyana. Nawalan ng balanse ang mga paa niya, ang tuhod ay nanghihina, a
Read more