Andrea's POV Laglag ang balikat na nakatulala ako sa harap ng elevator. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero kahit anong pilit kong galaw sa mga paa ko,hindi ko talaga magalaw ito. Parang nakapako ito sa kinatatayuan ko habang patuloy na umaagos ang mga luha ko. Umaasa akong bubukas ulit ang pinto ng elevator at lumabas si sir Tyron para balikan ako pero, inabot na Lang ako ng sampung minuto sa kakatayo, walang Tyron na lumabas dito. "Ang sakit sakit!" Umiiyak na sabi ko. Nanlalambot ang tuhod na napaupo ako sa sahig at doon humilata ng iyak. Natatakot ako na baka mag swimming palabas ang baby ko sa loob ng tiyan ko pero gusto ko namang ilabas ang lahat ng sakit na nasa puso ko ngayon. Dahil sa tuwing pinipigilan ko ang sarili ko the more naman na parang sinasakal ako sa sakit na nararamdaman ko. "I'm so sorry baby, iiyak muna si mommy ha?" Umaagos ang luha na hinihimas ko ang tiyan ko habang kinausap ang anak ko. "Promise, pagkatapos nito hinding hindi na iiyak
Last Updated : 2025-11-04 Read more