Andrea's POV "Shhhh tahan na nagbibiro lang naman ako baby, Sorry na" Nag aalalang pinahiran ng mga palad nito ang luha ko pero ang lintik na mga luha ko di naman matigil tigil ito. Panay pa rin ang tulo nito. "Baby, sorry na please ? I don't want to see that tears" Malambing na sabi nito. Niyakap ako nito at ikinulong sa mga bisig niya. Panay ang suyo nito sa akin at hinahagod hagod ang likod. "Shhhh don't cry, I love you" Biglang natigil ako sa pag iyak ng marinig ang sinabi nito. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa sarili ko at bigla na namang nagbago ang emosyon ko. Pakiramdam ko ang saya saya ng puso ko dahilan para umangat ako ng tingin dito at malambing na ngumiti. "Ulitin mo nga" Malambing na utos ko. Napangiti ito ng marinig ang sinabi ko kaya hinawakan nito ang magkabilaang pisngi ko. "I said, I love you" Namamaos ang boses na sabi nito. Pagkatapos nitong sabihin iyun wala sa sariling hinila ko ang batok nito at hinalikan ko ang labi niya. Pumaskil ang ng
Last Updated : 2025-11-16 Read more