Andrea's POV "O-oo apo, alam ko na ang lahat lahat dahil sinabi at ipinaliwang na ni Tyron ito sa akin, tungkol sa nangyari sa inyo tatlong taon na ang nakakaraan." Ani ni lola na ikinatigil sandali ng paghinga ko. Pakiramdam ko hindi gumana ang utak ko at nanatiling nakatulala lang kay lola ang mga mata ko. "Patawarin mo ako apo, hindi ko alam na matinding paghihirap at pagdurusa pala ang pinagdaanan mo dati pero hindi ko man lang namamalayan. Patawad, ginawa mo ang lahat para maisalba ang kalagayan ng lolo mo noon kahit pa walang siguradohan na maililigtas ito, Ikaw ang pumasan sa lahat ng hirap natin kahit hanggang ngayon" Umiiyak na dagdag na sabi nito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako? na sa wakas nalaman na rin ni lola or maaawa ako para dito?? "Maraming salamat at patawad apo, sa lahat ng ginawa mo para sa pamilya nati-" "Hi-hindi po kayo galit sa akin lola???" Nauutal na putol na tanong ko sasaabihin nito. Agad
Last Updated : 2025-12-03 Read more