Isabel's POV "Iho, mabuti naman at nakarating ka!" Isang may edad na babae ang sumalubong sa amin. Nakita kong kahawig nito ang nasa malaking picture na babae kaya napagtanto kong ito ang birthday celebrant sa okasyon na ito. "Hi tita, happy birthday po!" Sagot naman ni sir Ronnie ng makalapit ito at kumalas sa kamay ko. Yumukap ito sa matandang babae at nakita kong ibinigay nito ang kaninang paper bag na dala dala nito. "Thank you iho, matagal tagal na din tayong hindi nagkita. Kumusta kana??" Rinig kong tanong nito Kay sir Ronnie. Nakita ko pang hinawakan nito ang braso ni sir Ronnie at tinapik tapik pa ito. Kung titingnan halatang matagal ng magkakilala ang mga ito. "I'm good tita. Kayo po Kumusta kayo??" "I'm good also iho, dahil sa tagal nating hindi nagkita. Tingin ko, mas lalo kang pumogi" Rinig kong sagot ng matandang kausap nito. Tahimik na nakikinig lang ako sa tabi habang nag-uusap ang mga ito. Hinihintay kong ipakilala ako ni sir Ronnie sa kausap nito. Pero p
Terakhir Diperbarui : 2026-01-25 Baca selengkapnya