Isabel's POV "Mary, Mabait ba ang amo mo???" Hindi mapigilang tanong ko sa kaibigan ko. Subalit imbes na marinig ang sagot ni Mary at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mang Thomas. "Naku Mang Thomas naman, wag niyong tinatakot ang kaibigan ko" Rinig kong saway ni Mary dito. "Naku iha, wag kang maalala, mabait si sir" Bawing sabi ni Mang Thomas at tiningnan pa ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba ng marinig ang pagkakasabi nito na mabait ang sir nila. "Mary" Mahinang tawag ko sa kaibigan ko at tiningnan ito. "Wag Kang mag aalala. Totoo ang sinabi ni Mang Thomas Kaya wag Kang kabahan" Pampakalma na sabi ni Mary sa akin. Matapos ang mahigit isang oras. Tumingala at tiningnan ko ang labas. Isang maganda at napakalaking bahay ang nakikita ko. Manghang mangha ako habang tinitingnan ito. Isa lang ito sa mga bahay na nakikita ko sa lumang Tv na namin sa bahay dati. Hindi ko aakalain na ngayon ay nakikita na ito ng personal ng dalawang mata ko. "Halika na bum
Last Updated : 2026-01-12 Read more